Bagong ayos na Virac Airport pinasinayaan ng DOTr at CAAP

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 01, 2018 - 08:51 AM

DOTr Photo

Pinasinayaan na ng Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang bagong ayos na passenger terminal building (PTB) sa Virac Airport.

Pinangunahan nina Transportation Secretary Arthur P. Tugade, DOTr Undersecretary for Aviation and Airports Manuel Antonio Tamayo, at CAAP Director General Jim Sydiongco ang inagurasyon.

Sinimulan ang konstruksyon para sa rehabilitasyon ng terminal noong January 2016 at kasama sa inayos ang lumang disenyo na ng passenger terminal building.

Ginastusan ng P39 million ang proyekto na ilang ulit ding nasuspinde bago tuluyang natapos.

Dahil sa rehabilitasyon, mula sa dating 100 passenger capacity ay tumaas ito sa 300 pasahero.

Pinalaki din ang ground floor at second floor ng pre-departure area at inayos ang arrival area sa ground floor.

Ang Virac Airport ang natatanging paliparan sa Catanduanes at nagsimula itong mag-operate para sa unang commercial flight noon pang 1947.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: CAAP, catanduanes, dotr, Radyo Inquirer, Virac Airport, CAAP, catanduanes, dotr, Radyo Inquirer, Virac Airport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.