Mahigit 22,000 na outbound passengers naitala ng Philippine Coast Guard
Patuloy ang pagbiyahe ng marami para umuwi sa kani-kanilang destinasyon dahil sa nalalapit na pagbubukas na ng klase sa Lunes, June 4.
Sa monitoring ng Philippine Coast Guard sa mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, marami sa mga nagbakasyon ay umuuwi na sa kanilang mga lugar.
Simula alas 12:00 ng hatinggabi hanggang alas 6:00 ng umaga ng Biyernes, June 1, umabot sa 22,340 ang naitalang outbound passengers.
Sa mga pantalan sa Bicol kabilang ang Albay, Sorsogon at Masbate nakapagtala ng pinakamaraming bumiyahe na umabot sa 4,092.
Sinundan ito ng Southern Tagalog nakapagtala ng 3,513 na pasahero at South Eastern Mindanao na mayroong 3,222 na pasahero.
Marami na ring bumiyahe sa mga pantalan sa Northern Mindanao, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas at Southern Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.