Drug suspect patay, pulis sugatan makaraang mauwi sa engkwentro ang buy-bust sa Cavite

Police banner

Patay ang isang drug suspect makaraang mauwi sa shootout ang buy-bust na ikinasa ng mga otoridad sa lalawigan ng Cavite.

Ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, hepe ng CALABARZON Police, naganap ang insidente sa bayan ng Noveleta, Biyernes ng madaling araw.

Nanlaban umano sa mga otoridad ang suspek na kinilala lamang sa alyas na Natoy sa buy-bust na ikinasa ng mga pulis ala 1:30 ng madaling araw sa Barangay San Rafael 4.

Natunugan umano ng suspek na pulis ang kaniyang katransaksyon dahilan para bumunot ito ng baril at paputukan ang mga otoridad.

Isang pulis pa ang nasugatan matapos tamaan ng bala sa binti.

Agad namang nakaganti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng suspek.

Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng shabu at P300 na cash.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...