Walang pagbabago sa posisyon sa denuclearization ng NoKor ayon kay Kim Jong Un
Pinanindigan ni North Korean Leader Kim Jong Un ang pahayag nito hinggil sa pagpapatupad ng denuclearization.
Sa ulat ng state news agency ng NoKor, sinabi mismo ni Kim na walang pagbabago sa kaniyang posisyon sa usapin.
Ginawa ni Kim ang pahayag matapos ang pulong niya kay Russian Foreign Minister Sergei Lavrov.
Dagdag pa ni Kim umaasa siya na ang relasyon ng North Korea at U.S. at ang usapin sa denuclearization sa Korean peninsula ay matutugunan at mareresolba unti-unti.
Sa pulong, napagkasunduan nina Kim at Lavrov na palakasin ang kooperasyon kasabay ng planong pagkakaroon din ng bilateral summit ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.