Delegasyon mula NoKor nasa New York para sa ikalawang yugto ng pulong sa summit nina Trump at Kim

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 01, 2018 - 06:52 AM

Twitter Photo | US Sec. of State Mike Pompeo

Nasa New York City ngayon ang delegasyon mula sa North Korea para sa ikalawang yugto ng pagpupulong sa nalalapit na summit sa pagitan nina President Donald Trump at leader Kim Jong Un.

Sa kaniyang post sa Twitter sinalubong ni US Secretary of State Mike Pompeo ang delegasyon sa pamumuno ni North Korean General Kim Yong Chol.

Nagsalu-salu din sa isang hapunan sa New York ang mga opisyal mula US at NoKor.

Una nang sinabi ni Trump na inaasahang bitbit ng delegasyon mula sa NoKor ang liham sa kaniya ni Kim.

Ani Trump, isinusulong ng magkabilang panig ang pagtutuloy ng summit sa June 12 sa Singapore.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: donald trump, Kim Jong un, north korea, summit, US, donald trump, Kim Jong un, north korea, summit, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.