Dalawang LPA sa loob ng PAR posibleng maging bagyo sa susunod na mga araw

Posibleng maging ganap na bagyo ang dalawang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng bansa.

Sa datos ng weather bureau, namataan ang unang (LPA) sa layong 335 kilometro Kanluran Silangang – Kanluran ng Puerto Princesa City.

Habang ang isa pang LPA ay namataan sa layong 900 kilometro Silangan Timog – Silangan ng Surigao del Sur.

Dahil dito, inaasahang magkakaroon ng maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Palawan dahil sa LPA.

Habang sa Eastern Visayas, Western Visayas at buong Mindanao naman ay mararanasan din ang kaparehong panahon bunsod naman ng ITCZ.

Nagbabala ang Pagasa sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga naturang lugar.

Inaasahang magiging tropical depression o bagyo ang dalawang LPA sa susunod na 3 hanggang 5 araw at papangalanang Domeng at Ester.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa kabilang ang Metro Manila ay iiral pa rin ng easterlies na magdadala ng mainit na panahon maliban na lamang sa mga pag-ulang dulot ng localized thunderstorms.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...