Sa online interview sa kinaroroonan nito sa Utrecht, the Netherlands, sinabi ni Sison na welcome sa kanya ang paniniyak ng pangulo na ligtas siyang makakabalik sa bansa.
Mabuti aniya na siniguro ni Pangulong Duterte na ligtas siyang makakauwi sa Pilipinas pero hindi pa rin nito naisip ang pagbabalik sa bansa.
Ayon kay Sison, babalik lang siya sa Pilipinas matapos mapirmahan ang interim peace agreement.
Hinahanda na aniya ito sa susunod na buwan kabilang ang pag-apruba sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms na nakapaloob sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ang command ni Sison na NDF-CPP-NPA.