CPP founding chair Joma Sison hindi pa rin uuwi ng Pilipinas

By Len Montaño June 01, 2018 - 05:01 AM

Sa kabila ng paniniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kaligtasan, tila ayaw pa ring bumalik sa bansa sa ngayon ni Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison.

Sa online interview sa kinaroroonan nito sa Utrecht, the Netherlands, sinabi ni Sison na welcome sa kanya ang paniniyak ng pangulo na ligtas siyang makakabalik sa bansa.

Mabuti aniya na siniguro ni Pangulong Duterte na ligtas siyang makakauwi sa Pilipinas pero hindi pa rin nito naisip ang pagbabalik sa bansa.

Ayon kay Sison, babalik lang siya sa Pilipinas matapos mapirmahan ang interim peace agreement.

Hinahanda na aniya ito sa susunod na buwan kabilang ang pag-apruba sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms na nakapaloob sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ang command ni Sison na NDF-CPP-NPA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.