Panibagong powerplant pinasinayaan sa Quezon

By Len Montaño June 01, 2018 - 05:00 AM

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasinaya ng bagong tapos na power plant sa Pagbilao, Quezon.

Sa kanyang talumpati ay sinabi ng pangulo na umaasa siya na madagdagan pa ang mga bagong planta ng kuryente na makakatulong sa pag-unlad ng ekonimiya ng bansa.

Binanggit ng pangulo ang epekto ng kawalan ng kuryente sa isang bansa gaya ng pagkakaroon ng brownout.

Ang 420-megawatt na power plant aniya ay magbibigay ng supply ng kuryente sa buong lalawigan ng Quezon gayundin ang trabaho sa maraming tao.

Pinasalamatan naman ng pangulo ang Department of Energy (DOE) at ang Aboitiz Power Corporation dahil sa naturang planta.

Ang planta, na nagkakahalaga ng $976 million, ay inaasahang magbibigay ng tuloy-tuloy na supply ng kuryente sa Luzon grid.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.