DOE Sec. Cusi isa sa pinakamayaman sa gabinete ni Pang. Duterte
Biniro ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi na pwede na itong magretiro dahil hindi na nito kailangang magsilbi sa gobyerno dahil sa yaman nito.
Si Cusi, na dating airport manager, ang ikalawang pinakamayaman sa gabinete ni Pangulong Duterte kung saan nasa P1.35 bilyon ang idineklara nitong net worth noong nakaraang taon.
Nadagdagan ang yaman nito ng P1.19 bilyon mula 2016 kung kailan nasa P162.7 milyon ang net worth nito.
Sa kanyang talumpati sa pagpapasinaya ng coal-fired power plant sa Pagbilao, Quezon, sinabi ng pangulo na dating Manila International Airport (MIAA) general manager si Cusi pero bago nito ay mayaman itong negosyante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.