PhilHealth wala namang natanggap na P10.69B pondo — Garin

Non-existent o wala naman talagang pondo mula sa PhilHealth na inilipat umano sa Department of Health (DOH).

Ayon kay dating Health Secretary Janette Jarin, kasinungalingan ang sinasabing diversion ng PhilHealth funds na P10.69 bilyon sa DOH.

Pahayag ito ni Garin matapos siyang ireklamo ng PhilHealth, gayundin ang dating presidente ng kumpanya na si Alexander Padilla.

Paliwanag ng dating kalihim, wala naman talagang napuntang P10.6 bilyon sa PhilHealth kaya walang nailipat sa DOH.

Ang naturang pondo aniya ay hindi exclusive sa PhilHealth at pwedeng gamitin ng DOH kung mayroong sobrang koleksyon sa buwis na hindi umano nangyari.

Nasa budget aniya na hindi lang para sa PhilHealth ang pondo at pwedeng gamitin ng DOH sa kondisyon na may excess tax collection at kung walang sobrang buwis ay wala anyang pondo para sa mga un-programmed funds.

Sa reklamo ng PhilHealth sa Ombudsman, ang pondo na hiniling umano sa pamamagitan ng joint letter nina Garin at Padilla ay hindi aprubado ng board of directors, bagay na ayon kay Garin ay natalakay naman sa PhilHealth board.

Read more...