Lacson hinamon ang resolusyon ng Senado na i-review ang pagpapatalsik kay ex-CJ Sereno

Hinamon ni Senador Panfilo Lacson ang resolusyon ng mga kapwa senador para i-review ng Korte Suprema ang pagpapatalsik kay Maria Lourdes Sereno bilang chief justice sa pamamagitan ng quo warranto petition.

Sa presentasyon ni Senador Kiko Pangilinan ng Resolution No. 738, nagtanong si Lacson kung pinanghihimasukan ba ng Senado ang Supreme Court.

Sa gitna ng kanilang sagutan ay sinabi ni Pangilinan na umaasa siya na ang mga mahistrado na pumabor sa quo warranto ay irerekunsidera ang kanilang desisyon.

Giit nito, naghain si Sereno ng motion for reconsideration kaya may tsansa na maitama ang desisyon.

Pero ang tanong ni Lacson, ang intensyon ba ng resolusyon ay para impluwensyahan ang Supreme Court na baligtarin ang pagpapatalsik kay Sereno?

Dumipensa si Pangilinan na hindi ito panghihimasok sa Korte Suprema kundi pagpapatibay lamang sa ekslusibong kapangyarihan ng Senado na tanggalin ang gaya ni Sereno sa pamamagitan ng impeachmant.

Dito na sumabat si Senate Minority Leader Franklin Drilon at ipinaliwanag na ang layon ng resolusyon ay para lamang ihayag ang halaga ng Senado.

Read more...