#DuterteSerye nagtrending sa twitter

By Dona Dominguez-Cargullo October 16, 2015 - 07:27 PM

TrendingSa kasagsagan ng pag-aabang ng lahat kung sisipot ba sa Commission on Elections (Comelec) si Davao City Mayor Rodrigo nag-trending sa twitter ang #DuterteSerye.

Pumangalawa ang nasabing hashtag sa Philippine trend sa twitter at naungusan pa ang #ALDUBThirdMonthsary na nasa pangatlong pwesto as of 6:30 ng gabi.

Noon ding nasabing oras umabot na sa halos tatlumpung libo na ang bilang ng tweets gamit ang #DuterteSerye at patuloy na nadaragdagan.

Batay sa mga post sa twitter, may mga nagpahayag ng pagkadismaya dahil sa hindi pagtakbo ni Duterte, ang iba naman ay nainis sa alkalde at ang iba ay nagpasyang pumili na lamang ng ibang kandidato na susuportahan.

TweetsAng iba ay sinabing hindi na dapat magpabebe si Duterte at ang iba naman ay nagsabing marahil ay hindi pa ito ang ‘tamang panahon’ para sa alkalde.

Nauwi pa nga sa biruan dahil marami ang nagpakalbo bilang bahagi ng kanilang kampanya na hikayatin si Duterte.

Ang biro ng ilan, umaapela daw kay Duterte ang mga nagpakalbo na ibalik ang kanilang buhok.

Magugunitang pinangunahan mismo ni Sara Duterte ang pagpapakalbo bilang bahagi ng kampanyang “kalbo para sa pagbabago”.

TAGS: DuterteSerye, DuterteSerye

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.