DepEd ikinatuwa ang paglobo ng enrollees sa ALS
Ikinatuwa ng Department of Education (DepEd) ang mas dumaraming Filipino na nag-eenroll sa Alternative Learning System (ALS).
Ang naturang programa ay para sa mga dropouts at matatandang nais na bumalik sa pag-aaral.
Sa isang pahayag, inanunsyo ni Education Sec. Leonor Briones na sa ngayon ay mayroon nang 89,000 enrollees sa buong bansa ang ALS.
Ipinaliwanag ng kalihim na ang pagtaas sa bilang ng ALS enrollees ay maaaring bunsod ng inilatag na ALS special registration booths sa mga Brigada Eskwela.
Pinasalamatan ni Briones ang lahat ng nangampanya para sa naturang programa na anya ay malapit sa puso ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.