Pangulong Duterte dumalo sa selebrasyon ng kaarawan ni Inday Sara
Ipinagdiwang ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanyang ika-40 kaarawan Huwebes ng gabi.
Kasama si Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go, hindi pinalampas ng pangulo ang kaarawan ng kanyang anak at dumating alas-8 ng gabi.
Sinalubong ng isang halik ng kanyang dating asawang si Elizabeth Zimmerman ang presidente.
Sa kanyang videos at posts na ibinahagi sa Facebook, inilarawan ni Davao City Public Information Officer Jefry Tupas ang selebrasyon na ‘simple at intimate’.
Samantala, nasa pagdiriwang din ang mga kapatid ni Mayor Sara na sina Paolo at Sebastian, mga kaibigan at ang kanyang asawang si Manases Carpio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.