Duterte hindi nagpakita sa Comelec hanggang sa huling minuto ng COC filing

DUTERTEBigo ang mga supporters ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na naghihintay sa kaniya hanggang sa huling sandali bago magtapos ang filing ng certificate of candidacy.

Tatlumpung minuto bago ang pagtatapos ng COC filing, lalong lumakas ang mga hinalang dadating si Duterte, matapos kumalat sa twitter na siya ay sakay ng isang private plane papuntang Maynila.

Mayroon pang kumalat na balita na may abogado na maghahain ng COC para kay Duterte dahil baka hindi siya umabot sa deadline.

Pero ilang minuto bago mag-alas 5:00 ng hapon, nag-post ng pahayag si Duterte sa kaniyang official facebook account.

Nakasaad sa nasabing psot na dalawang taon na ang nakalilipas nang sabihin niyang hindi siya interesado sa presidency at walang pagbabago sa kaniyang posisyon.

Ayon kay Duterte, kumportable na siya sa kung nasaan siya ngayon. “A little over two years ago, I posted in the government website over the Internet that I was not interested in the Presidency. Nothing has changed. I am comfortable where I am now.,” nakasaad sa FB post ni Duterte.

Sinabi rin ni Duterte na gusto na nga niyang magretiro sa lalong madaling panahon.

Mas mabuti aniyang ibigay sa mga taong may gusto ng posisyon ang pagka-pangulo, at hindi umano siya kasama sa mga may gusto ng nasabing posisyon.

Ayon kay Duterte na maaring kaya ganoon na lamang ang pagsusulong ng publiko na siya ay tumakbo ay dahil nais pa nila ng ibang pagpipilian na kandidato.

Sa huli sinabi ni Duterte na wala din siyang balak na mag-substitue sa sinomang kandidato.

Read more...