Pilipinas naghain na ng diplomatic protest sa militarisasyon ng China sa WPS

Naghain na ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas kaugnay sa pagpapalakas ng pwersa ng militar ng China sa West Philippine Sea.

Ito ang kinumpirma ngayong hapon sa Malacañang ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Laman ng reklamo na inihain ng Department of Foreign Affairs ang pagpalag ng bansa sa missiles installation ng China sa Spratly.

Kasama rin dito ang ginawang pagpapalipad ng China ng kanilang bomber sa ibabaw ng mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.

Idinagdag pa ni Roque na inireklamo rin ng bansa ang ginawang harassment ng Chinese forces sa mga sundalong Pinoy malapit sa Ayungin Shoal noong May 11.

Sa kanyang talumpati kahapon ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bagaman kaibigan ng bansa ang China ay hindi niya papayagan na ipagpatuloy ng mga ito ang ilang military actions malapit sa mga pinag-aagawang isla. / Den

Read more...