Signal #2 nakataas sa 7 lugar dahil sa bagyong Lando, 21 ang nasa signal #1 kabilang ang Metro Manila

By Dona Dominguez-Cargullo October 16, 2015 - 06:02 PM

LANDO OCT 16 at 6pmNapanatili ng bagyong Lando ang lakas nito habang kumikilos papalapit sa bahagi ng Isabela-Aurora.

Sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 510 kilometers East ng Baler, Aurora. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 160 kilometers kada oras. Pa-kanluran pa rin ang direksyon ng bagyong Lando sa bilis na 15 kilometers kada oras.

Itinaas na ng PAGASA ang public storm warning signal number 2 sa mga sumusunod na lugar:

Aurora
Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Nueva Ecija
Northern Quezon kabilang ang Polillo Island

Dahil sa inaasahang patuloy na westward na direksyon ng bagyo, sinabi ng PAGASA na maaapektuhan nito ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.

Bunsod nito, 21 lugar ang isinailalim sa signal number 1, kabilang ang mga sumusunod:

Cagayan
Abra
Kalinga
Mt. Province
Ifugao
Benguet
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Bulacan
Pampanga
Tarlac
Zambales
Bataan
Rizal
Laguna
nalalabing bahagi ng Quezon
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Metro Manila

Inabisuhan ng PAGASA ang publiko lalo na ang mga residente sa mga lugar na may nakataas na public storm warning signals na mag-ingat at laging magbantay sa mga abisong ilalabas ng ahensya.

TAGS: Lando5pmupdate, Lando5pmupdate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.