Ipinagmalaki ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang panunumbalik ng kalinisan sa Estero de Binondo sa Maynila.
Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio E. Goitia, dahil sa patuloy na paglilinis ng River Warriors ng ahensiya ay nanumbalik ang kalinisan ng estero.
“Estero de Binondo is almost spotless from wastes-both on its waterway and the street alongside it,” ayon kay Goitia.
Kasabay nito, pinasalamatan ni Goitia ang mga River Warrior na walang sawang naglilinis ng mga estero at ilog sa Kalakhang Maynila.
“I salute our hard working River Warriors who go beyond their service just to maintain the cleanliness of the estero,” ayon pa kay Goitia.
Umapela rin si Goitia sa publiko na tumulong sa pagpapanatiling malinis ng mga estero at ilog sa Metro Manila.
Nagbabala rin si Goitia sa mga magtatapon ng basura sa estero na kanilang sasampahan ang mga ito. Pinaalalahanan din nito ang mga opisyal ng barangay na pangalagaan ang mga estero at ilog sa Metro Manila.