Kampo ni Sereno nanindigan na walang bigat ang SALN issue sa quo warranto case
Iginiit ng kampo ng pinatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno ba hindi basehan ang kabiguang maghain ng Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) para mapaalis siya sa posisyon.
Ayon kay Atty. Carlos Cruz, inilagay nila sa apela ni Sereno ang mga kaso ng mga bigong magpasa ng SALN.
Aniya, batay sa mga naging desisyon ng Korte Suprema ay walang sinibak sa pwesto dahil sa hindi paghahain ng SALN at sa halip ay pinagmulta lamang o pinatawan ng parusa.
Dagdag ni Cruz, iginiit ni Sereno na inihain niya ang 12 sa 16 SALN na kinailangan niyang ipasa bilang professor sa University of the Philippines.
Umaasa naman ang kampo ng dating punong mahistrado na mabibigyan ng kanilang inihaing mosyon ang ilang mga tanong sa isipan ng mga mahistradong bumoto pabor sa pagpapatalsik kay Sereno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.