Regulasyon sa bentahan ng dietary supplements iimbestigahan ng kongreso

By Erwin Aguilon May 31, 2018 - 03:20 PM

Inquirer file photo

Pinaiimbestigahan ni House Committee on Youth and Sports Chairman at Antipolo Rep. Christina Roa-Puno ang bentahan ng dietary supplements na nagtataglay ng substance na ipinagbabawal ng World Anti-Doping Agency o WADA.

Sa House Resolution 1915 na inihain ni Roa-Puno nais nito na suriin ang ipinatutupad na regulasyon at batas kaugnay sa pagbebenta ng mga dietary supplements.

Ito ayon sa mambabatas ay upang mapigilan ang mga atleta na makainom ng mga dietary supplements na may WADA-banned substance.

Importante aniya na ma-educate ang mga atleta, coaches, team managers, health professionals at iba pang stakeholders sa mga dietary suppements at drinks na ipinagbabawal ng WADA.

Iginiit nito na hindi alam ng marami sa bansa ang mga ipinagbabawal na substance ng WADA tulad ng nangyari sa basketball player na si Kiefer Ravena matapos na uminom ng pre-workout drink.

TAGS: Congress, dietary supplements, ravena, roa, Congress, dietary supplements, ravena, roa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.