Pag-angkat ng diesel sa Russia, hindi pa agad mapakikinabangan ng Pilipinas
Walang agarang solusyon na maibibigay ang pamahalaan para tugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Sa pulong balitaan sa malakanyang sinabi ni Energy spokesman Wimpy Fuentebella, matatagalan pa kasi ang pagdating sa bansa ang inaangkat na diesel sa bansang Russia.
Bukod sa Russia, pinag-aaralan na rin aniya ngayon ng Pilipinas na bumili ng iba pang produktong petroyo sa Thailand.
Ayon kay Fuentebella, nasa proseso pa lamang aniya ngayon ang Philippine National Oil Company sa pagproseso ng pag-aangkat ng diesel sa Russia.
Bukod dito, sinabi ni Fuentebella na hinihintay pa ng Pilipinas kung kailan magmumura ang presyo ng diesel sa Russia.
Hindi rin matukoy ni Fuentebella kung gaano karami ang bibilhing imported diesel sa Russia dahil dedepende pa ito sa storage facility ng Pilipinas.
Magiging government to government aniya ang pagbili ng Pilipinas sa Russia ng diesel.
Excerpt:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.