Dating drug surrenderer, patay sa buy-bust operation sa Batangas

By Rohanisa Abbas May 31, 2018 - 12:54 PM

Google Maps
Patay ang isang hinihinalang tulak ng droga sa Mataas na Kahoy, Batangas kaninang umaga.

Kinilala ang suspek na si Gerween Abla na dati nang sumuko sa Oplan Tokhang pero bumalik sa iligal na gawain.

Ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, hepe ng Calabarzon police, isinagawa ng pulisya ang buy bust operation kaninang alas-6:30 ng umaga.

Gayunman, pinaputukan ni Abla ang mga pulis dahilan para gumanti sila ng putok.

Itinakbo pa sa ospital ang suspek pero hindi na ito umabot nang buhay.

Narekober kay Abla ang isang kalibre .45 na baril at dalawang sachet ng hinihinalang shabu.



TAGS: buy bust operation, shootout, War on drugs, buy bust operation, shootout, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.