SolGen Calida sa pagkakaroon ng extra-marital affair: Big fat lie

By Rohanisa Abbas May 31, 2018 - 11:54 AM

FILE

Tinawag ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida na isang malaking kasinungalingan ang mga alegasyon sa kanya ng pagkakaroon ng kabit at paggamit umano ng P1.8 milyon para sa sa kanyang kabit.

Sinabi ni Calida na dapat itong patunayan ng mga nag-aakusa pero walang ebidensya ang mismong babaeng complainant.

Aniya, malisyoso ang mga alegasyon ng babae.

Dagdag ni Calida, gawa-gawa lamang ang mga kaso laban sa kanya ng mga nais na sirain ang kanyang pamilya.

Ipinahayag naman ng SolGen na hinihintay niya na lang na matanggap niya ang kopya ng reklamo at sasagutin niya ito. Aniya, magsasampa rin siya ng kaso laban sa mga naninira sa kanya.

Sinabi rin ni Calida na inaatake siya ngayon ng mga nagagalit sa pagpapatalsik ng Korte Suprema kay Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado dahil siya ang nasa likod ng quo warranto petition.

Naging viral sa social media ang litrato ni Calida kasama ang isang babae na karelasyon umano nito. /

 

TAGS: extra-marital affair, malversation, Solicitor General Jose Calida, extra-marital affair, malversation, Solicitor General Jose Calida

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.