Sense of the Senate sa quo warranto petition vs. ex-CJ Sereno, inilabas na
Naihinga na sa Senado ang saloobin ng 14 na senador na kontra sa ginawang pagpapatalsik ng Korte Suprema kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Si Senador Kiko Pangilinan ang nagbigay ng sponsorship speech sa Senate Resolution 738 at iginiit nito na ang ginawa ng Korte Suprema ay paglabag sa Saligang Batas.
Giit sa resolusyon, ang mga miyembro ng Korte Suprema ay maari lang mapaalis sa puwesto sa pamamagitan ng impeachment o paglabag sa Saligang Batas.
Nabanggit din na tanging ang Mababang Kapulungan ng Kongreso lang ang mga ekslusibong kapangyarihan na magpasimula ng lahat ng kaso ng impeachment, samantalang ang Senado naman ang tanging may kapangyarihan na dinggin at desisyonan ang lahat ng impeachment cases.
Sinabi ni Pangilinan ang ginawa ng Korte Suprema ay panghihimakasok sa kapangyarihan ng lehislatura hinggil sa impeachment complaints sa mga impeachable officials.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.