Independent audit firm, kinakailangan para sa tapat na financial status ng Philhealth – Garin
Kinakailangan ng independent audit team para sa mapagkakatiwalaang pagsusuri sa financial status ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth), ayon kay dating Health secretary Janette Garin.
Sinabi ni Garin na hindi dapat basta-basta pagkatiwalaan ang finance office ng ahensya. Aniya, marami ang mga insidente ng pang-aabuso at mismanagement.
Ipinahayag ito ni Garin makaraang maghain ng kasong graft laban sa kanya si Philhealth interim presient Celestina Maria Jude de la Serna.
Kaugnay nito, welcome sa dating kalihim ang pagsasampa ng kaso kaugnay ng P10.6 bilyon pondo ng Philhealth na inilaan sa pagtatayo ng rural health clinics mula sa pondo para sa senior citizens noong 2015.
Ani Garin, kailanman ay hindi nailabas ang naturang pondo matapos hindi maabot ang mga kondisyon para rito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.