MILF, umaasa na maipasok sa BBL ang mga panukala ng BTC

FILE

Umaasa ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na magiging malapit sa ipinanukala ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) ang Bangsamoro Law na ibabalangkas ng mga mambabatas.

Ayon kay MILF Vice Chairman for Political Affairs Ghazali Jaafar, bagaman hindi “watered down” ang mga bersyong ipinasa sa Senado at Kamara, umaasa ang grupo na maipasok sa batas ang mga ipinanukala ng BTC.

Sinabi ni Jaafar na mayroong siyam na pagbabago na ginawa ang Kamara sa panukala ng komisyon.

Si Jaafar ay co-chairman sa BTC na bumalangkas sa BBL na isinumite sa Mataas at Mababang Kapulungan.

Read more...