Mga opisyal sa gobyerno na may sapi sa ilang kumpanya, hindi iligal kung hindi aktibo sa pagpapatakbo – SOJ

By Ricky Brozas May 31, 2018 - 10:29 AM

Walang nakikitang iligal si Department of Justice Secretary Menardo Guevarra kung ang isang public servant ay mayroong sapi o share sa isang kumpanya.

Pero dapat aniya ay hindi aktibo sa operasyon o pangangasiwa ng kumpanya ang opisyal ng gobyerno.

Paliwanag ni Guevarra, ang ipinagbabawal sa ilalim ng batas ay kung ang opisyal ng gobyerno ang mismong nagpapatakbo sa kumpanya.

Aniya, maraming mga opisyal ng gobyerno na may investment sa isang malaking kumpanya at dahil pinili nilang ilagay ang kanilang savings sa porma ng investment, wala siyang nakikitang iligal sa ganitong kalakaran.

Ginawa ni Guevarra ang pahayag sa gitna pa rin ng kontrata ng Vigilant Investigative and Security Agency Incorporated (VISAI) na pag-aari ng pamilya ni Solicitor General Jose Calida sa ilang ahensya ng gobyerno, kabilang na ang DOJ.

Kahapon ay mismong si Pangulong Duterte na ang nagdepensa kay Calida na nagsabing hindi niya sisibakin ang solicitor general dahil wala siyang nakikitang iligal kung ang opisyal ng gobyerno ay mayroon mang negosyo lalu na kung sila ay nagdivest na sa kumpanya.

Nauna nang nilinaw ni Calida na nagbitiw na siya bilang chairman at presidente ng VISAI noon pang May 30, 2016 o isang buwan bago siya magsimulang manungkulan sa OSG noong Hulyo 2016. /

TAGS: guevarra, negosyo, Shares, stockholder, guevarra, negosyo, Shares, stockholder

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.