Resolusyong humihikayat sa DFA na maghain ng diplomatic protest laban sa China, inihain sa Senado

By Jan Escosio May 31, 2018 - 10:14 AM

Pinababasag na ng ilang senador sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pananahimik sa ginagawang militarisasyon ng China sa South China Sea.

Naghain ng resolusyon ang walong senador at hinihikayat ang tanggapan ni Sec. Alan Peter Cayetano na maghain ng diplomatic protest laban sa China.

Sumama sa panawagan ang dalawang miyembro ng majority bloc na sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Sen. JV Ejercito.

Ang iba pang lumagda sa resolusyon ay ang minority bloc na kinabibilangan nina Sen. Minority Leader Franklin Drilon, Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Bam Aquino, Sen. Leila de Lima Sen. Antonio Trillanes at Sen. Risa Hontiveros.

Giit sa resolusyon ang pagsasawalang kibo ng gobyerrno sa ginagawa ng China ay maaring magkaroon ng interpretasyon na hinahayaan na lang ng Pilipinas ang paglalagay ng mga gamit-pandigma sa mga pinag-aagawang bahagi ng South China Sea.

Banggit pa ng walong senador hindi dapat hayaan na maging banta sa seguridad ng rehiyon ang ginagawa ng China.

Nakukulangan din sila sa mga ginagawa ng gobyerno.

TAGS: China, DFA, Diplomatic PRotest, militarisasyon, South China Sea, West Philippine Sea, China, DFA, Diplomatic PRotest, militarisasyon, South China Sea, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.