Pagpapatalsik kay Sereno, nagdulot ng pagkasira ng rule of law sa bansa – ICJ
Nagpahayag ng pagkabahala ang International Commission of Jurists (ICJ) sa pagpapatalsik kay chief justice Maria Lourdes Sereno sa Korte Suprema.
Sinabi ng ICJ na ipinapakita nito na hindi kaya at hindi handa ang gobyerno na bantayan ang rule of law at tutuligsain nito ang mga institusyon na poprotekta rito.
Ipinahayag ni ICJ Asia Pacidic Director Fredrick Rawski na mahalagang mapanatili ang kalayaan ng hudikatura sa bansa ngayong inaakusahan ang gobyerno na sangkot umano sa malawakang paglabag sa karapatang pantao.
Matatandaang noong May 11, kinatigan ng Korte Suprema sa botong 8-6 ang quo warranto petition na nagpapawalang bisa sa appointment ni Sereno.
Kahapon, inapela ng kampo ni Sereno ang desisyong ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.