Ayon kay Poe, nais lang ng petisyon na sirain ang kagustuhan ng mga tao na kumandidato siyang presidente.
Inaasahan na din umano ng senadora ang naturang reklamo at handa silang sagutin ito. “We believe their intention is to simply subvert the will of the people,” pahayag ni Poe.
Sinabi naman ng abogado ni Poe na si Atty. George Garcia na kilala nila kung sino ang mga tao na nasa likod ng bagong petisyon pati ang umano’y “evil plans” nito.This is just the beginning and definitely will not be the last. We will fight them to the end, armed only with the law, reason and the truth,” dagdag ng abogado.
Naniniwala ang kampo ni Poe sa collective wisdom ng mga miyembro ng Comelec.
Tiniyak din nila sa mga taga-suporta ng senadora at mga Pilipino na mananaig ang hustisya at mananalo sila sa laban.
Samantala, sinabi ng tagapagsalita ni Poe na si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na may taong nasa likod ng petisyon ni Atty. Estrella Elamparo na humihiling sa poll body na kanselahin ang COC ni Poe at huwag itong payagang sumama sa presidential race.