Kampo ni Senator Grace Poe handang harapin ang panibagong reklamo sa Comelec

By Len Montaño October 16, 2015 - 04:47 PM

poe-escudero-cocBinalewala din ni Senator Grace Poe ang bagong petisyon laban sa kanya sa Comelec na layong hindi siya makatakbo bilang pangulo sa 2016 elections.

Ayon kay Poe, nais lang ng petisyon na sirain ang kagustuhan ng mga tao na kumandidato siyang presidente.

Inaasahan na din umano ng senadora ang naturang reklamo at handa silang sagutin ito. “We believe their intention is to simply subvert the will of the people,” pahayag ni Poe.

Sinabi naman ng abogado ni Poe na si Atty. George Garcia na kilala nila kung sino ang mga tao na nasa likod ng bagong petisyon pati ang umano’y “evil plans” nito.This is just the beginning and definitely will not be the last. We will fight them to the end, armed only with the law, reason and the truth,” dagdag ng abogado.

Naniniwala ang kampo ni Poe sa collective wisdom ng mga miyembro ng Comelec.

Tiniyak din nila sa mga taga-suporta ng senadora at mga Pilipino na mananaig ang hustisya at mananalo sila sa laban.

Samantala, sinabi ng tagapagsalita ni Poe na si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na may taong nasa likod ng petisyon ni Atty. Estrella Elamparo na humihiling sa poll body na kanselahin ang COC ni Poe at huwag itong payagang sumama sa presidential race.

TAGS: PetitionToCancelGracePoe'sCOC, PetitionToCancelGracePoe'sCOC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.