32 pasahero sugatan sa pagbangga ng bus sa isa pang bus sa EDSA
Binangga ng isang pampasaherong bus ang isa pang bus na nagbaba ng mga pasahero sa ilalim ng MRT Kamuning sa southbound lane ng EDSA kaninang alas-7:00 ng umaga.
Sa paunang imbestigasyon, nagbaba ng pasahero ang VIL500 na may plakang ABE 2876 na biyaheng Novaliches-Baclaran nang salpukin sa likurang bahagi ng Baclaran Metrolink na may plate number na ACC 8732.
Ayon kay Mark Hugo, driver ng Baclaran Metrolink, nawalan siya ng preno kaya sumalpok siya sa likurang bahagi ng VIL500.
Sa bilang ng Quezon City Red Cross, aabot sa 32 pasahero ang nagtamo ng mga minor injury na agad dinala sa pinakamalapit na ospital.
Sa kwento ng mga pasaher,o nagtalsikan ang mga kapwa nila pasahero ng mangyari ang banggaan habang makikita pa ang mga dugo sa loob ng bus.
Lalo naman nagdulot ng matinding bahagi ng southbound lane ng EDSA papuntang Timog area.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.