Inaprubahang BBL ng Kamara, constitutional – Speaker Alvarez

By Erwin Aguilon May 31, 2018 - 09:00 AM

FILE

Nanindigan si House Speaker Pantaleon Alvarez na constitutional ang kanilang ipinasang bersyon ng Bangsamoro Basic Law.

Ayon kay Alvarez, lahat ng ginagawang batas ng Kamara ay naayon sa Saligang Batas.

Gayunman, sinabi nito na maaring kwestyunin ninoman ang kanilang mga ipinapasang batas sa Supreme Court.

Wala aniyang maaring magpahinto sa isang indibidwal na kwestyunin ang kanilang ginawang batas partikular ang BBL sa SC bilang ang korte lamang naman ang maaring magsabi kung unconstitutional ang kanilang mga ginagawa.

Reaksyon ito ang pinuno ng Kamara kasunod ng pagkontra ng ilan sa BBL.

Bago ang adjourn sine die ng Kamara ipinasa ng mga ito ang House Bill 6475 o ang Bangsamoro Basic Law sa botong 227 na YES, 11na NO at 2 ABSTAIN.

 

TAGS: bangsamoro, BBL, constitutional, Supreme Court, bangsamoro, BBL, constitutional, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.