Ex-sec. Garin, kinasuhan ng PhilHealth ng kasong graft

INQUIRER FILE

Sinampahan ng Philippine Health insurance Corp. (PhilHealth) ng kasong graft sina dating Health secretary Janette Garin at dating PhilHealth president Alexander Padilla kaugnay ng paglilipat umano ng P10.69 bilyon pondo sa pagtatayo ng mga clinic sa mga probinsya mula sa pondo para sa senior citizens noong 2015.

Sa reklamong inihain sa Office of the Ombudsman, sinabi ng PhilHealth na hindi inaprubahan ng board of directors ang halbang na ito.

Ayon sa PhilHealth, naapektuhan ang financial viability ng ahensya dahil dito.

Maliban dito, inakusahan din si Garin ng gross inexcusable negligence dahil sa pagbabalewala sa veto message ni dating pangulong Benigno Aquino III na kunin ang premiums ng senior citizens sa unprogrammed funds o reserbang pondo ng Department of Health.

Pinangunahan ni PhilHealth interim president Celestina Ma. Jude de la Serna ang pagsasampa ng kaso.

Read more...