Daanbantayan Mayor Loot, sugatan nang aksidenteng mabaril ang sarili

By Rohanisa Abbas May 31, 2018 - 08:40 AM

FILE

Aksidenteng nabaril ni Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot ang kanyang sarili kagabi.

Ayon sa pulisya, paalis na sa isang vigil sa Barangay Lanao si Loot sakay ng Mitsubishi Strada dakong 8:40 ng gabi nang maupuan niya ang baril at pumutok ito.

Nagtamo ng sugat sa kanyang paa si Loot.

Isinugod sa ospital ang alkalde.

Matatandaang nakaligtas sa pananambang si Loot ngayong buwan matapos pagbabarilin ng mga suspek ang kanyang sasakyan.

TAGS: aksidente, Daanbantayan, Mayor Loot, nabaril, aksidente, Daanbantayan, Mayor Loot, nabaril

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.