Lalaki patay sa pamamaril sa Marikina City; suspek na pulis, sumuko

Courtesy: Marikina City police

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng nakaalitang pulis sa Marikina City kagabi.

Ayon sa pulisya, minamaneho ni Esteban Bunga ang isang Toyota Avanza kasama si Arnold Eayam at kanilang mga kaanak na papunta sa kanilang probinsya. Pagsapit sa kanto ng Tanguile at Apitong Streets, pinuruhan ng suspek ang side mirror ng sasakyan.

Dahil dito, bumaba si Bunga at kinompronta ang suspek pero sinuntok siya nito at ng dalawa pa nitong kasamahan. Umawat naman ang mga kasamahan ng biktima.

Gayunman, umalis ang isa sa mga suspek at pagbalik ay armado ito at pinagbabaril sina Bunga at Eayam. Agad namang tumakas ang tatlong suspek.

Naisugod pa sa ospital ang dalawang biktima pero patay na nang dumating sa ospital si Bunga. Sugatan naman si Eayam.

Nakilala naman ang isa sa mga suspek na si Police Officer 1 Edgar Villamil na sumuko sa pulisya.

Nakadetine ngayon ang suspek sa Marikina City police station.

Read more...