Presyo ng LPG nakaambang tumaas sa Biyernes

By Rhommel Balasbas May 31, 2018 - 05:21 AM

Matapos ang halos sunud-sunod na pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay nakaamba naman ang pagtaas sa presyo ng liquified petroleum gas (LPG) sa papasok na buwan.

Batay sa abiso ng industry sources, nasa P3 hanggang P4 ang itataas ng LPG.

Dahil dito, maaaring pumalo ang dagdag presyo sa P33 hanggang P44 sa kada 11 kilong tangke ng LPG.

Inaasahaang ipatutupad ang taas presyo sa Biyernes, Hunyo 1.

Ayon sa LPG Marketers’ Association (LPGMA) party-list, ang presyo ng LPG ay sumusunod lamang sa presyo ng diesel at gasolina sa pandaigdigang merkado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.