3 drug suspek patay sa engkwentro sa Bulacan

By Justinne Punsalang May 31, 2018 - 12:19 AM

(UPDATE) Dead on the spot ang isang lalaking sinasabing tulak ng droga matapos mauwi sa palitan ng putok ang ikinasang buy bust operation sa Barangay Atlag sa Malolos City, Bulacan.

Kinilala ang nasawing suspek na si Benjamin Sarmiento alyas Pogi na residente ng Barangay Balayong.

Napag-alaman na kabilang sa barangay drug watchlist sa Balayong ang suspek.

Ayon kay Malolos City Police Station Drug Enforcement Unit head, Police Supertintendent Heryl Bruno, matapos ang transaksyon at aktong aarestuhin na ng mga otoridad si Sarmiento ay nanlaban ito sa pamamagitan ng pagbunot ng baril at pagpapaputok sa mga pulis.

Dahilan ito upang gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagsawi ng suspek.

Maswerte namang walang natamaan sa hanay ng mga otoridad.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang improvised shotgun, 9 na piraso ng sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at apat na piraso ng hinihinalang marijuana na may pinagsamang halaga na aabot sa P18,000.

Samantala, sa Barangay Sampaloc sa bayan ng San Rafael naman ay napatay ang isang alyas Pilay habang nakatakas ang kanyang kasamahan matapos magkasa ng buy bust operation ang mga otoridad.

Isa pang buy bust ang nauwi sa palitan ng putok sa bayan naman ng Bocaue. Kinilala ang suspek na si Jerry Santiago na nanlaban umano sa mga pulis.

Samantala, isa namang kilalang magnanakaw ng motorsiklo ang napatay ng mga pulis sa Barangay Poblacion sa Sta. Maria. Ayon sa mga otoridad, ibinibenta ng suspek ang mga motor na kanyang ninanakaw.

Natunugan umano nito na pulis angkatransaksyon, dahilan upang pagbabarilin ang mga otoridad na silang gumanti rin ng putok na nagresulta sa kanyang pagkasawi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.