Tinapos na ng San Miguel Beermen ang kanilang winless streak sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.
Ito ay matapos nilang talunin ang Phoenix sa kanilang tapatan kagabi na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.
Natapos ang laro sa iskor na 106-94, pabor sa Beermen.
Ayon sa head coach ng San Miguel na si Leo Austria, nahirapan ang kanilang koponan sa unang bahagi ng laro ngunit makalipas ang halftime break ay nagstep up ang mga manlalaro at bumawi.
Pinangunahan ni Renaldo Balkman ang koponan sa pamamagitan ng 35 points, 17 rebounds, at four blocks.
Si Christian Standhardinger naman ang sumunod, sa pamamagitan ng kanyang 18 points at 7 rebounds.
Para naman sa Phoenix, si Eugene Phelps ang nanguna matapos makapagtala ng 33 puntos.
Dahil dito, 3-3 ang win-loss record ng Phoenix na nasa ika-8 pwesto, habang 1-3 naman ang sa San Miguel na nasa ika-11 pwesto.