Panukalang BBL lusot na sa Senado

By Justinne Punsalang, Rhommel Balasbas May 31, 2018 - 01:23 AM

Inquirer FILE PHOTO

Madaling araw ng Huwebes nang aprubahan ng Senado ang kanilang bersyon para sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Nakapasa sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 1717 o “An Act Providing for the Basic Law for the Bangsamoro and Abolishing the Autonomous Region in Muslim Mindanao” sa botong 21-yes, 0-no, at 0-abstain.

Inabot ng sampung oras ang mga senador upang maipasa ang naturang panukala.

Ayon sa pangunahing may akda ng panukalang BBL na si Senador Migz Zubiri, matapos aprubahan ang kani-kanilang bersyon ng BBL sa mababa at mataas na kapulungan ay magkakaroon naman ng bicameral conference ang Kamara at Senado upang pag-isahin ito.

Inaasahan na maisasapinal ang BBL sa pagbabalik sesyon ng Kamara at Senado sa Hulyo kasabay ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kapag na-review at naratipikahan na ng dalawang kapulungan ang pinag-isang bersyon ng BBL ay doon na lalagdaan ni Pangulong Duterte ang panukala.

Matataandaang Martes nang sertipikahang urgent ng pangulo ang BBL upang masimulan na ang pagkakaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon ng Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.