Muling paniningil ng fuel surchage pinag-aaralan pa ng Civil Aeronautics Board

By Erwin Aguilon May 30, 2018 - 10:13 PM

Wala pang pinal na pasya ang Civil Aeronautics Board (CAB) kung muling papayagan ang paniningil ng fuel surcharge ng mga airline companies.

Sa pagharap sa House Committee on Transportation sinabi ni Atty. Wirlou Samudio ng legal division ng CAB na sa ngayon ay pinag-aaralan pa nila kung muling papayagan ang paniningil ng fuel surcharge dahil na rin patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Paliwanag ni Samudio, masusi nila itong pinag-aaralan dahil sa posibleng epekto nito sa mga airline passengers.

Nais namang matiyak ng mga mambabatas na hindi maidadagdag ang fuel surcharge ng patago sa mga pasahero.

Huling naningil ang mga airline companies ng fuel surcharge noong taong 2014 kung saan bawat pasahero ay dinadagdagan ng P200 hanggang P500 sa kanilang ticket para sa mga domestic flight.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.