Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa Ilocos Norte, Miyerkules ng gabi.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 2 kilometers South ng Paoay dakong 6:46 ng gabi.
May lalim ang lindol na 28 kilometers at tectonic ang dahilan.
Bunsod ng pagyanig, naramdaman ang Intensity III sa mga sumusunod na lugar:
– Bacarra, Ilocos Norte
– Sinait, Ilocos Sur
– Pasuquin, Ilocos Norte
– Vigan City, at
– Laoag City
Naramdaman din ang Intensity I sa bayan ng Claveria sa Cagayan.
Hindi naman inaasahang magdudulot ang lindol ng pinsala at aftershocks
MOST READ
LATEST STORIES