Calida nanindigan na walang iligal sa mga kontrata ng security agency ng kanyang pamilya

By Ricky Brozas May 30, 2018 - 03:58 PM

Nanindigan si Solicitor General Jose Calida na wala siyang ginawang iligal at labag sa batas kaugnay ng kontrata ng Vigilant Investigative and Security Agency Incorporated (VISAI) na pag-aari ng kanyang pamilya sa ilang ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Calida, nagbitiw na siya bilang chairman at presidente ng VISAI noon pang May 30, 2016 o isang buwan bago siya magsimulang manungkulan sa OSG noong Hulyo 2016.

Nilinaw pa ng kampo ni Calida na hindi ang OSG ang “approving authority” para sa mga kasunduang pinasok ng VSAI na nakuha umano ng kumpanya sa pamamagitan ng public bidding.

Dahil dito, wala umanong batayan ang ipinupukol na conflict of interest laban kay Calida.

Nauna nang sinabi ni DOJ Secretary Menardo Guevarra na ligal at dumaan sa tamang proseso ng procurement ang kontrata na pinasok ng Department of Justice (DOJ) sa security company na pag-aari ng pamilya ni Calida.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaring binabalikan lamang si Calida ng kanyang mga kritiko matapos niyang maipanalo ang inihain niyang quo warranto case laban sa napatalsik na si Dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

TAGS: calida, o, security agency, solicitor general, visai, calida, o, security agency, solicitor general, visai

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.