LRT-2 napatupad ng limitadong operasyon dahil sa problema sa wire

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 30, 2018 - 12:20 PM

Nagka-aberya ang biyahe ng isang tren ng Light Rail Transit-2 (LRT-2).

Sa tweet ng ilang netizen, pinababa ang mga pasahero sa J. Ruiz Station dahil sa nagkaproblemang tren.

Isa sa mga pasahero ang nagsabi na nasira ang kable ng tren.

May tweet din ng larawan ng mga pasahero habang lumalabas ng tren at lumalabas na ng istasyon.

Sa tweet naman ng LRT-2, as of 11:57 ng umaga nagpatupad na sila ng limitadong operasyon.

Ang biyahe ng mga tren ay Santolan hanggang Cubao lamang at pabalik habang wala namang biyahe mula Cubao hanggang Recto at pabalik.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: catenary wire, LRT line 2, Radyo Inquirer, catenary wire, LRT line 2, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.