Luzon grid isasailalim sa yellow alert dahil sa manipis na reserba ng kuryente

Isasailalim sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Sa abiso ng Meralco, mula ala 1:01 hanggang alas 3:00 ng hapon iiral ang yellow alert.

Ito ay dahil sa manipis na reserba sa kuryente bunsod ng hindi inaasahang shutdown ng ilang power plants at mataas na demand sa kuryente.

Dahil dito, pinaghahanda na ng Meralco ang mga kumpanya, malalaking korporasyon at establisyimento na nasa ilalim ng kanilang Interruptible Load Program.

Sakali kasing tuluyang kapusin ang suplay ng kuryente ang mga nasa ilalim ng ILP ay pagagamitin ng kanilang generator sets para maiwasan na ang pagpapatupad pa ng brownout.

Sa mga nasa tahanan naman payo ng Meralco, magtipid sa paggamit ng kuryente.

Alisin sa saksak ang mga appliances na hindi naman ginagamit, iwasang ibukas-sara ang refrigerator, at linisan lagi ang blades ng electric fan at aircon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...