11 arestado sa drug den sa Cainta

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 30, 2018 - 11:37 AM

Arestado ng mga otoridad ang labingisang katao sa sinalakay na hinihinalang drug den sa Cainta, Rizal.

Ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, Calabarzon police director, isinilbi ng mga pulis ang search warrant dakong alas 5:30 ng umaga sa Sitio Dulong Parola sa Barangay San Andres.

Ang nasabing search warrant ay inisyu ni Judge Agripino Morga ng Regional Trial Court branch 29 hanggang 32 ng San Pablo City, Laguna laban sa isang Daniel Cabra Jr. na umano ay “financier” ng drug den.

Katuwang ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sinalakay ng mga pulis ang lugar at naaresto si Cabra kasama ang 10 iba pa.

Kinilala ang iba pang nadakip na sina Bernie Tenedero, Jun Abeleda, Jamuel Calapotot, Martin Baluya, Lanie Rafol, Maricel Soriano, Ednalyn Calumpiano, Mary Amor Lingat, Jayson Zaidey Delos Santos, at Jonnel Arendon.

Nakuha mula sa mga suspek ang 23 sachets ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P136,000 at apat na sachets ng marijuana.

May nakuha ding dawalng .38 caliber revolvers mula sa mga nadakip na suspek.

Ayon kay Supt. Arturo Brual, Cainta police chief, ang lugar ay tinagurian ng mga residente doon bilang “Little Tawi-tawi” at nasa boundary na halos ng Cainta at Pasig City.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: cainta, drug den, Radyo Inquirer, cainta, drug den, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.