Mag-asawa patay sa pamamaril sa Laguna

Nasawi ang mag-asawa makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Laguna.

Naganap ang insidente sa bayan ng Bauan sa San Pablo City Miyerkules ng madaling araw.

Ayon kay Bauan police chief, Chief Insp. Alfie Salang, sakay ng L300 van ang mag-asawang sina Rizal at Estelita Abante na residente ng Barangay Manghinao.

Bigla na lamang umanong sumulpot ang mga suspek at binaril ang dalawa.

Naitakbo pa sa Bauan Doctors General Hospital ang dalawa pero idineklarang dead on arrival.

Nakikipag-usap na ang pulisya sa mga anak ng mag-asawa para makakuha ng lead sa kung anong motibo sa krimen.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...