Pagtaas sa P20,000 na monthly pension ng mga war veterans aprubado na sa kamara

By Erwin Aguilon May 30, 2018 - 10:56 AM

INQUIRER FILE PHOTO/LYN RILLON

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng kamara ang panukalang taasan ang buwanang pensyon ng mga war veterans.

Sa botong 239 na YES at 0 na NO lumusot ang House Bill 7525 na naglalayong itataas sa P20,000 ang old age pension ng mga senior war veterans mula sa dating P5,000.

Sa ilalim ng panukala na pangunahing iniakda ni Bataan Rep. Geraldine Roman, sakop ng old age pension increase ang mga beterano ng World War II, Korean War, at Vietnam War na hindi nakakatanggap ng pensyon mula sa Armed Forces of the Philippines.

Kapag naging ganap na batas, ang entitlement sa old age pension increase ay limitado lamang samga nabubuhay na beterano at hindi ito transferable sa sinumang myembro ng pamilya o dependent ng senior citizen.

Malaki ayon kay Roman ang maitutulong sa dagdag na old age pension sa mga beterano para makapamuhay ng disente at may dignidad.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: AFP, old age pension, War Veterans, AFP, old age pension, War Veterans

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.