Senator Miriam Santiago naghain na ng COC sa pagka-pangulo

By Isa Avendaño-Umali October 16, 2015 - 03:20 PM

Miriam via Marianne Bermudez
Marianne Bermudez/Inquirer

Pormal nang isinumite ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang kaniyang certificate of candidacy sa pagka-pangulo.

Sa kaniyang pagharap sa media, sinagot ni Santiago ang ilang katanungan kaugnay sa kaniyang muling pagsabak sa pampanguluhang halalan.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na tatakbo si Satiago bilang presidente. “Third’ time’s always a charm,” ayon kay Santiago.

Sinabi rin ni Santiago na hindi niya nakikita na magiging problema sa kaniyang kalusugan ang paglulunsad ng nationwide campaign.

Aniya, malaki na ang ipinagbago ngayon ng pamamaraan ng pangangampanya dahil sa social media.

At dahil si Senator Bongbong Marcos ang sinabi ni Santiago na kaniyang magiging running mate, tinanong din ang senadora hinggil sa kaniyang posisyon kaugnay sa martial law.

Ayon kay Santiago, importante pa ring busisiin ang mga detalye sa deklarasyon ng Martial Law.

May mga ilan din naman aniyang naidulot na mabuti ang nasabing deklarasyon. Hinamon ni Santiago ang mga historians na pag-aralang muli ang panahon ng Batas Militar sa bansa.

Nang tanungin naman kung pabor ba siya na mailibing na sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos, sinabi ni Santiago na hindi natin dapat hayaan na tayo ay diktahan ng isang yumao na.

TAGS: MiriamFilesCOC, MiriamFilesCOC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.